Narutophilippines
Binabati kita sa Makabagong Narutophilippines. Mabuhay sa pagdayo at sanay wag kang magdalawang isip na mag register para makisalamuha ulit sa kaisa-isahang 2014 NARUTO PHILIPPINES.


BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Tumblr_mnku1fwHPk1rxmnkio1_500

*Paalala lang na wala kang access sa mga selected section pag hindi ka pa registered. May mga section na pwede kang magbasa pero mayron ding para lang sa mga registered Member.

Kaya pag Naka-register na kayo. Buksan agad ang Private Message dahil may kunti palintuntunin don.

Dahil inatake na to ng mga Spambots kaya Medyo tayo maingat ngayon sa mga Bot.

Pasensya na*


Join the forum, it's quick and easy

Narutophilippines
Binabati kita sa Makabagong Narutophilippines. Mabuhay sa pagdayo at sanay wag kang magdalawang isip na mag register para makisalamuha ulit sa kaisa-isahang 2014 NARUTO PHILIPPINES.


BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Tumblr_mnku1fwHPk1rxmnkio1_500

*Paalala lang na wala kang access sa mga selected section pag hindi ka pa registered. May mga section na pwede kang magbasa pero mayron ding para lang sa mga registered Member.

Kaya pag Naka-register na kayo. Buksan agad ang Private Message dahil may kunti palintuntunin don.

Dahil inatake na to ng mga Spambots kaya Medyo tayo maingat ngayon sa mga Bot.

Pasensya na*
Narutophilippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Narutophilippines

para sa mga Naruto adiks..

Nangangailangan kami ng Moderator na pwede maasahan sa Forum na to. Kung feeling mo qualified at deserving ka at kaya mong gampanan ang pagiging Moderator paki-click to -Pano maging Moderator

You are not connected. Please login or register

BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Tue Nov 17, 2009 9:52 pm

dianna_chakra1212

dianna_chakra1212
Junin
Junin

FROM FANFICTION.NET

Ang Kilay ni Gaara: Chapter 2

“Anong gagawin natin? Papagalitan ako ni papa!” Alalang-alala na ang batang paslit.

“Wag ka mag-alala. Gagawan natin ng paraan yan.”

Agad kumuha si Yashamaru ng black pentel pen sa kabilang kwarto. Nang makita nina Temari at Kankuro ang ginagawa ng kanilang tiyo, nacurious sila.

“Tiyo Yashamaru, ano pong gagawin niyo diyan?” tanong ni Young Temari.

“Magdodrowing.”

“Uy drowing, sali ako dyan!”

“Ako rin!” saling pusa ni Kankuro.

Bago pa niya mapigilan ang mga makukulit na bulilit, nagsilitawan na ang mga coloring materials sa kanyang harapan.

“Tiyo, saan yung papel?” pagtataka ni Kankuro.

Inabutan niya ang dalawa ng manila paper.

“Eto. Dyan lang kayo. Wag kayong aalis,” bilin niya sa mga ito at agad siyang lumabas at iniwan ang magkapatid.

“Andaya! Akala ko magdodrowing tayong tatlo tapos iiwan lang pala tayo.”

“Baka magvavandalize siya.”

“Alright!”

Sounds good kaya naman sinundan siya ng mga ito at nakita nilang seryosong inaayusan ang baby sa loob ng kwarto ng ama.

“Tiyo, bakit ninyo mine-make upan si Gaara?” tanong ni Temari.,

“Lagot kayo kay papa. Ginagawa niyo siyang girl!” ani Kankuro.

“Sssshhh… wag kayong maingay. Nilalagyan ko lang ng kilay ang kapatid ninyo.”

“Bwarharharhar…” Tawanan ang dalawa nang makita ang unfinished work of art. Nakakalahati palang si Yashamaru kaya isang mata palang ang nalalagyan niya. Nayamot tuloy si Gaara.

“Ako naman ang gagawa ng isa,” volunteer ni Temari.

“Hindi. Ako!”

“Ako sabi eh!”

“Pangit ka magdrowing kaya dapat ako.”

“Ikaw ang pangit!”

Nag-agawan na sila sa marking pen. Sinabunutan ni Kankuro si Temari at kinurot naman niya ang nguso ni Kankuro, kaya bago pa man magkapatayan ay pinagbigyan na rin sila ng tiyo nila. Tigkalahati sila sa sa natitirang kilay. Gusto sana ni Temari na color violet kaso di pumayag si Yashamaru dahil baka asymmetrical ang kalabasan. At tulad ng inaasahan, di nga pantay ang artificial eyebrows na ginawa nila. Makapal at straight ang lines ni Kankuro samantalang manipis naman ang kay Temari with matching twirls, curls at curves pa. Di pa sila nakuntento, gumuhit pa sila ng iba’t ibang larawan. Pinagpapalo tuloy ni Yashamaru ang mga makukulit na anak ng Kazekage sa inis. Sinira nila ang kanyang masterpiece. Feel pa naman niyang maging make-up artist kahit ngayon lang sa tanang buhay niya. Mga sakit ng ulo! Hirap talaga maging yayo.

Yayo – male version ng yaya

“Yashamaru, okay na ba?”

“Ha? Ah… eh…. Sa tingin ko, Master Gaara, dapat nating ulitin yung kabila. Slightly different eh.” Dinagdagan niya ng 'slightly' para di mataranta ang bata. Sinungaling! Di naman slightly eh. Extremely kamo!

Natigilan silang lahat nang pumasok ang kanilang ama. Bumalik siya upang bunutin sa saksakan ang electric razor.

“Papa!” Nagsimulang humikbi si Gaara. “Chori talaga… Uha! Uhaaahhh…”

“Naku, pasensya na po, Master Kazekage. Napagkatuwaan lang po namin si Gaara.”

Alam nilang di malilinlang ang Kazekage. Sa hitsura ba naman ngayon ng anak niya eh mukhang binaboy at sinabuyan na ng pintura. Aakalain mong tinatuan siya ng mga hieroglyphics sa mukha. At bawat larawan ay may kwento. Merong ipis at langgam na nagduduelo. Sigurado kay Kankuro yun. Si Temari naman sigurado ang may likha ng flowers sa kaliwang pisngi. Dapat lang, dahil kung malaman niyang si Kankuro pala ang may gawa nun, tiyak latigong sinturon ang matitikman nito sa hapunan. Di welcome ang bading dito sa pamilya niya!

“Bumalik kayo sa kwarto niyo!” utos ni Commander Kazekage. Nagtakbuhan pabalik sina Tema at Kanky. Samantala ang youngest of them all ay patuloy na nagkakalat ng uhog at sipon kaya ang yayo niya ay naglabas na ng bimpo upang punasan ang madikit nitong mukha. Nagkalat tuloy ang pintura all over his face at natanggal ang pinaghirapan nilang mga kilay.

“Anak ng jablo! Sinong may gawa ng karumaldumal na krimen na yan sa anak ko!”

“Chori talaga, papa! Chori! Chori!” Napahagulgol nang malakas si Baby Gaara.

Sa kaka-chori este sorry ng anak at dahil sa sa nakalapag na electric razor sahig, sapat na itong mga ebidensya na nagpapatunay na may kasalanan rin nga si Gaara. Eto na nga ba ang sinasabi niya. Minsan na rin niyang napanaginipan na nagwalk out ang daw ang mga kilay ng bunsong anak niya. Masama itong pamahiin, kaya inilalayo niya ito sa mga matutulis na bagay kahit pinoprotektahan na siya ng buhangin. At ngayong nangyari na ang kinatatakutan niya, huli na ang lahat. Kalbo na ang mata ng anak niya! Siguradong di na ito tutubuan pa ng kilay kahit na kailan. Goodbye eyebrows!

Dinetalye naman ni Yashamaru ang lahat ng nangyaring kaganapan sa pamamahay na iyon mula sa great fall of Gaara hanggang sa pamimili ni Kankuro ng gagamiting paintbrush para sa ipipinta sanang tsinelas sa ilong ng nakababatang kapatid. At para mapaniwala pa lalo si Gaara na lab talaga siya kunwari ni Yashamaru, pinagtanggol pa niya ang alaga.

“Pakiusap, Master Kazekage, ako nalang po ang pakainin niyo ng sauce na walang spaghetti.”

Mabilis na nagbago ang isip ng ama. Napalambot ni Yashamaru ang puso niya. Palibhasa kamukhang-kamukha siya ng yumaong asawa. Kung babae lang si Yashamaru eh di sana pinakasalan na niya agad ito. Sayang!

“O sige, ubusin mo nalang ang isang mangkok na natira kahapon.”

“Narinig mo yun, Gaara? Ako na ang kakain nun para sa iyo kaya tumahan ka na.”

“Chori, Yashamaru.” Pasinghot-singhot pa si Gaara.

“Okay lang yun. Umiinom naman ako ng ketchup nung sanggol pa ako eh.”

“Huh?”

Pang-award winning talaga ang acting ni Yashamaru. Dapat nag-artista nalang siya tutal maganda rin naman siya.

“Gaara,” singit ng ama. “Bukas na bukas papasok ka sa eskwelahan with or without eyebrows!”

“P-pero…”

“Walang pero pero!”

“Ngunit…”

“Walang ngunit ngunit!”

“Su-subalit…”

“Walang suba-subalit!”

Anong magiging reaksyon ng buong sambayanan kung makakita sila ng isang batang walang kilay? May mukha pa kaya siyang ihaharap sa madla? Abangan ang huling kabanata ng “Kilay ni Gaara”!

2BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Tue Nov 17, 2009 10:00 pm

Temari

Temari
Immortal
Immortal

:rofl :rofl :rofl

3BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Thu Jan 28, 2010 7:11 pm

aoi_137

aoi_137
Chunin
Chunin

XD

http://www.friendster.com/animoi27, http://cbox.ws/?n=3-2901609-

4BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Sat Jan 30, 2010 1:45 am

JamesAnime02

JamesAnime02
Anbu Recruit
Anbu Recruit

hahahaha .. ang GALiNG nio gumawa aah :p :rolf :rolf :rolf

5BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Tue Feb 16, 2010 2:14 am

Temari

Temari
Immortal
Immortal

pag mga narutard. talagang likas na talented! wakokokokoko

6BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Mon May 03, 2010 7:05 am

kisame



hahahhahahah^^^

7BAKIT WALANG KILAY SI GAARA     PART 2 Empty Re: BAKIT WALANG KILAY SI GAARA PART 2 Thu May 13, 2010 1:54 am

Temari

Temari
Immortal
Immortal

parang bob ong lang eh! :rofl

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum