Narutophilippines
Binabati kita sa Makabagong Narutophilippines. Mabuhay sa pagdayo at sanay wag kang magdalawang isip na mag register para makisalamuha ulit sa kaisa-isahang 2014 NARUTO PHILIPPINES.


konoha senior high school MEGA ULTRA NEWLY UPDATED Dec. 18, 2008... Tumblr_mnku1fwHPk1rxmnkio1_500

*Paalala lang na wala kang access sa mga selected section pag hindi ka pa registered. May mga section na pwede kang magbasa pero mayron ding para lang sa mga registered Member.

Kaya pag Naka-register na kayo. Buksan agad ang Private Message dahil may kunti palintuntunin don.

Dahil inatake na to ng mga Spambots kaya Medyo tayo maingat ngayon sa mga Bot.

Pasensya na*


Join the forum, it's quick and easy

Narutophilippines
Binabati kita sa Makabagong Narutophilippines. Mabuhay sa pagdayo at sanay wag kang magdalawang isip na mag register para makisalamuha ulit sa kaisa-isahang 2014 NARUTO PHILIPPINES.


konoha senior high school MEGA ULTRA NEWLY UPDATED Dec. 18, 2008... Tumblr_mnku1fwHPk1rxmnkio1_500

*Paalala lang na wala kang access sa mga selected section pag hindi ka pa registered. May mga section na pwede kang magbasa pero mayron ding para lang sa mga registered Member.

Kaya pag Naka-register na kayo. Buksan agad ang Private Message dahil may kunti palintuntunin don.

Dahil inatake na to ng mga Spambots kaya Medyo tayo maingat ngayon sa mga Bot.

Pasensya na*
Narutophilippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Narutophilippines

para sa mga Naruto adiks..

Nangangailangan kami ng Moderator na pwede maasahan sa Forum na to. Kung feeling mo qualified at deserving ka at kaya mong gampanan ang pagiging Moderator paki-click to -Pano maging Moderator

You are not connected. Please login or register

konoha senior high school MEGA ULTRA NEWLY UPDATED Dec. 18, 2008...

+2
Neteiru Hayashi
Temari
6 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Guest


Guest

Tutunog ang morning bell.

`Ja ne, Hinata-chan. Takbo na, malalate na tau sa Homeroom` sabi ni Sakura. 2nd Year Class C Student sa Konoha Senior High.
`Cge, Sakura-chan, kita na lang tau sa lunch` sagot ni Hinata, 2nd Year Class E.

Naghiwalay ang dalawa sa harap ng hagdanan. Umakyat papuntang 2nd floor si Hinata at kumanan si Sakura papuntang corridor.

Tumakbo si Sakura papuntang end ng coriddor kung saan nandun ang Class 2 room. Sa kanyang kaliwa, mga klaseng naghohomeroom na.

`Delikado, late nanaman yata ako.` sabi ni Sakura sa Sarili. Tumingin sa sa mga bintana sa kaniyang kanan.
Kitang kita ang ganda ng panahon sa langit. Bughaw at may konting ulap.

WHAM. Nagkalat ang mga gamit na bitbit ni Sakura. Nakabungo siya ng tao.

`Nya. Yan. Late na talaga ako.` sabi ni Sakura sabay pulot ng mga gamit.

`Hey. Kung saan saan ka kasi tumitingin eh.` sabi ng nabungong estudyante. `Tulungan nalang kita.`

Hihingalhingal na si Sakura gawa ng kaniyang pagtakbo. Napansin niya lalake ang nakabungo niya.
Nakita niya kasi ang grey long sleeves ng tumutulong sa kaniya. Pinulot niya ng mabilisan ang loose leaf notes, pen case at bag niya. Kinuha din niya yung cell phone at hanky mula sa lalake.

Tumayo silang dalawa sabay tingin ni Sakura sa mukha ng lalake.

`Hyuuga Neji. B2. Yoroshiku.` sabayu abot ng kamay.

Nawalan ng masasabi si Sakura. Naisip niya: `Hyuuga Neji. Soccer Team Captain. Kaapelyido ni Hinata, no relations. Mote mote (sikat sa girls) at 4th sa academic rankings sa 2nd year. Maganda nga ang panahon.` sabay ngiti.

`Haruno Sakura. C2. Yoroshiku Onegaishimasu.` sabay shake hands.

School Bell.

`Panu ba yan. Tapos na Homeroom. Magpaalam ka nalang sa adviser mo. Ja ne. ` sabi ni Neji sabay pasok sa klase.
Kitang kita ni Sakura mula sa doorway ang pagdagsa ng mga kaibigan ni Neji.

`Sakura!` sabi ni Kakashi sensei. C2 adviser. Physics teacher.

`Sensei. Gomennasai. (sorry) May nakabungo lang ako. Nakaabot pa sana ako sa klase.` sagot ni Sakura.

`Heiki da yo. (Wala yon) Wala rin namang maxado pinag-usapan. Mukhang tumakbo ka ha, namumula ka eh. Ja, pagbutihin niyo ngayon ha.` sabi ni Kakashi-sensei paalis.

Nung oras na yun, alam ni Sakura na hindi dahil sa pagtakbo kaya siya namumula.

TO BE CONTINUED...
allowed ang comments nyo.. ^^



Last edited by aarthans on Wed Dec 17, 2008 10:28 pm; edited 4 times in total

Guest


Guest

:aprob:
wafu ata ni fafa neji.

Guest


Guest

Narutard™️ wrote::aprob:
wafu ata ni fafa neji.

Neji is my fav character. Naisipan kong bigyan xa ng limelight dito. haha. biased ba?

Guest


Guest

aarthans wrote:
Narutard™️ wrote::aprob:
wafu ata ni fafa neji.

Neji is my fav character. Naisipan kong bigyan xa ng limelight dito. haha. biased ba?

it's just a fan fiction. :boast:

Temari

Temari
Immortal
Immortal

dapat si Ino hindi si Sakura! :hayblad:

Guest


Guest

'Haa. Bad3p. 5th and 6th period ay Human Anatomy. Alam mo naman kung gaano kaboring si Ebisu-sensei' complain ni Hinata habang kumakain ng nori sushi.

Lunch time at nagsisimula nang dagsain ng mga estudyante ang kainan. Hindi nasagot ni Sakura si Hinata.

'Sakura-chan.' tawag ni Hinata.

'Un?'

'Kanina ka pa nakatulala jan. May problema ba?'

'Ah. Eh. Wala wala. Maganda lang panahon ngayon, natutuwa lang ako.'

Dumating sa table nila sina Shikamaru at Chouji.

'Chas. (shortcut ng konnichiwa) Pwede naman cguro kami makiupo.' sabi ni Chouji na bitbit ang kaniyang lunch box.

'Sure. Lunch box ka nanaman ngayon Chouji ah.' sabi ni Hinata.

'Hate canteen food. Mas masarap luto ng nanay.'

'Sakura, nu meron? Tahimik mo yta ngeon ah.' banat ni Shikamaru sabay upo.

'Naku. Kanina pa yan. Malay ko ba kung anong nangyari.' dagdag ni Hinata na tinitingnan yung laman ng lunchbox ni Chouji.

'Uh. Hehe. Wala 'to. Kasi... ano.. gutom lang ako! Cge, punta lang ako bibili ng lunch.'

Tumayo at naglakad papuntang counter si Sakura.

May pila sa counter. Kumuha ng tray si Sakura at nagsimulang pumili ng pagkain mula sa display.

'Chas.'

Neji. Nakapila kasunod ni Sakura.

'Uh. Konnichiwa.' sabi ni Sakura sabay lingon pabalik sa displayed foodstuff.

'Nga pla. Anung Bukatsu (School club) mo? Ikebana (flower arrangement)? calligraphy?'

'Volleyball.' sumbat ni Sakura.

'Wow. Sport club. Impressive. Ako naman..'

'Soccer. Alam ko. Lahat cguro sa buong school alam.' sabi ni Sakura sabay kuha ng salad at linagay sa tray.

'Wow. Ganun ba? Diet?' pabiro ni Neji.

'Nah. Wala lang gana.'

'Ah. Hey, gusto mong manood ng soccer team practices? Wala lang. Baka maging interesado ka. Atxa hndi boring mga practices namin.' alok ni Neji.

'Sure. Cancelled and volleyball namin today. Sprained fingers si captain. So bukatsu time diba?'

'Yup. After 6th period. Nice.'

'Mejo marunong din naman ako magsoccer kasi..'

'Neji-kun!!!!!!!!!!!!!!!!!!' female voice. Dumating si Ino.

Yamanaka Ino. Kaklase ni Neji. Soccer Team Manager.

'Nu meron Ino?' sabi ni Neji.

'Ginawa ko nang closed practice ang session ngayong hapon. Preparation for the league.' sagot ni Ino sabay tingin kay Sakura.

'Pero..??'

'Ayos lang. Nxt tym nlang.' sabi ni Sakura kay Neji sabay bitbit ng tray paalis.

.............................................................................................................
Nakabalik na sa table si Sakura.

'Neji-kun. 4th placer ng 2nd year. Tama ba?' biglang tanong ni Shikamaru.

'Ano? Bakit mo sakin tinatanong?'

'Tama nga.' sabi ni Shika kina Hinata at Chouji.

'Sakura-chan, type mo si Neji noh?' sabi ni Hinata.

'Ano? Saan niyo napulot yang idea na yan..? We're not even acquaintances.'

'Uso (sinungaling). Kita namin kanina. Nag-uusap kayo then Ino came tas umalis ka agad. Nakita ng buong cafeteria' kwento ni Shika.

'Ah. Eh.. kahit na. That doesn't say na type ko xa.'

'Defensive.' sumbat ng tatlo.

Sumuko na si Sakura. Pabulong niyag sinabi 'Mabait xa.' sabay ngiti.

'Nice.' sagot ni Shika

Binunton ni Sakura ang atensyon sa salad.

'Sabi na nga ba eh. Kaya ka cguro tulala kanina.Haha.' tawa ni Hinata.

'Madami kang makakaaway Sakura-chan.' banggit ni Chouji na mabubulol na sa kinakain.

'And Ino's sitting with Neji right now. Red Alert.' sabi ni Hinata na nakikihingi ng pork barbecue kay Chouji.

'Baka type rin ni Ino.' dagdag ni Chouji.

'Hey. Hndi nyo naman sila kailangan pancn. Interest lang ang meron ako kay Neji. No more no less.' sabi ni Sakura.

Nagtinginan sina Shika, Chouji at Hinata.

'Ok. Sabi mo eh.' sagot ni Shika.

Iniisip ni Sakura nung oras na un ay ung interest nga lang ba? At kung kaya nga ba nyang wag pancn si Ino?

TO BE CONTINUED..

Neteiru Hayashi

Neteiru Hayashi
Hokage
Hokage

ayos. hehe! nkakawla ng stress!

hmm! sna magka2luyan c Neji-kun at Sakura-chan..


pra maiba nman. :handsome:

Temari

Temari
Immortal
Immortal

Ino at Neji pa rin! lagyan mo naman ng Ino at Neji :good boy:

Guest


Guest

"The train for Konoha Central will be departing shortly." sabi ng station guidance.

"Yeah. Nakaabot tayo sa tren Sakura-chan."

"Paano ba naman tayo di aabot eh ang bilis mo magbike. Pinagmadali mo pa tuloy ako." sabi ni Sakura na di makahinga sa pagod.

"Eh kung hndi tau nagmadali edi hndi sana natin alam kung saang tren pumasok yung isang yun." sabi ni Hinata sabay tingin sa tabi ng pintuan ng tren.

Tiningnan ni Sakura yung lalaking nakasandal sa tabi ng pintuan ng tren.
Matalas ang mata, ayos ang buhok tapos may kaangasan.

............................
Nagbibisikleta silang dalawa ni Hinata papuntang Konoha East Station, ang pinakamalapit na station sa mga bahay nila, nang may lumampas na lalaking nakauniform na nagbibike.

"Ayos un ah. Ikemen (cool) ata. Tara habulin natin." pabirong sabi ni Hinata na binilisan naman ang pagbibisikleta.

Walang interes, sumunod rin si Sakura.
Laking gulat nilang dalawa nang sa East Station din huminto yung lalake.

"Ui, aus nga. Tingnan mo, ikemen." sabi ni Hinata na humihingal sa pagod.

"Naku. Para yun lang eh nagmadali pa tayo. Pagod na tuloy ako." sumbat ni Sakura.

Mas nagulat naman sila nung parehong tren ang sinakyan nilang tatlo.

"Dun tayo Sakura. Doon. Para maganda ang 'view'."

"Oo na, oo na. Susunod na." sabi ni Sakura.
.........................................................

Kaya ngayon, andun sila, nakaupo at naninilay ng complete stranger.

"San kayang school pumupunta yan?" tanong ni Sakura.

3 lang ang school na malapit sa Konoha Central. Yun ay ang Konoha Senior, HiKuni Shougyou (Fire Country Commercial) Senior, at Hokage Kougyou (Hokage Industrial) Senior High School.

"Tingin ko sa Shougyou yan. Mukhang pang business type eh." sagot ni Hinata na nakaw tingin sa lalake.

"Huminto ka na nga. Baka makahalata eh."

"Hinata-chan. Ohayou!" sabi ng isang lalake.

"Waaa. Naruto?! Doushitano? (BAKIT??)" sigaw ni Hinata.

Napatingin ang lalake sa direksyon nila.
---------*nagmeet ang mata nila ni Sakura*--------
Agad lumingon papalayo si Sakura. Ulit, namumula.

"Doushitano? Sasakay ako ng tren. Anong meron?!!!" sagot ni Naruto.

"Oh sige na sige na. Umupo ka nalang panira ka ng view eh.." sbi ni Hinata na binabaan ang volume ng boses.

"Oh. Sakura-chan.. anjan ka pala. Ayos 'to ah. Buti nalang hndi ako naihatid ng nanay. Hndi ko sana kayo makakasabay dalawa. Sineswerte nga naman." laking tawa ni Naruto.

"Urusai yo, Naruto!!!(Ang ingay mo Naruto!!).... Hey, Hinata-chan, Ikemen nga."

"Train doors will close. Please take caution."
"Train doors will close. Please take caution."
"Train doors will close. Please take caution."
.......................................

"Uchiha Sasuke. Yoroshiku Onegaishimasu."

Laking gulat ni Sakura nung nagpakilala ang bagong student sa harap ng C2.

"Hey, Shikamaru, kasabay namin sa tren at bike kaninang umaga." sabi ni Sakura habang iniintroduce ni Kakashi-sensei si Sasuke sa unahan.

"Ganun ba? Banda doon pala xa nakatira. Uchiha Sasuke, dating high school ay sa Akatsuki South Senior High, top sa class at captain ng football team. Football ang tawag nila doon. Hndi gaya satin sa Soccer." sagot ni Shikamaru kay Sakura.

"Mendokuse na. Dagdag sa threat ng position ko dito. Delikado si Neji." dagdag ni Shikamaru na may slight tawa.

"Anu ba yan. Ayos lang yan. No one has beaten you at first places since kindergarten Shikamaru. No worries." panghinahon ni Sakura.

"Chs. Ayan, uupo na xa. And his seat is in your right. Nasa gitna ka ng matatalinong tao." sabi ni Shikamaru na nasa kaliwa naman ni Sakura.

"Wag ka ngang maingay. Darating na eh." sumbat ni Sakura na nag-ayos ng facial expression na nagsasabing 'wala lang'.

Dumating si Sasuke at umupo sa desk na nasa kanan ni Sakura. Umupo, pinatong ang bag sa desk at ginamit ang cellphone.

Nagtinginan si Sakura at Shikamaru. Bawal ang cellphones sa school. Buti nalang hindi nakatingin si Kakashi-sensei.

"I hate rules." Biglang sabi ni Sasuke.

Lumingon ang dalawa at nakitang nakatingin sakanila si Sasuke.

"At lalo na ang mga maninilay ng tao sa tren." dagdag pa ni Sasuke.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Sakura. Napigil naman ni Shikamaru na tumawa ng tuluyan.

"Nice of you Sakura and Shikamaru na iwelcome ang new student pero its class kaya do it on breaktime." biglang tawag ni Kakashi-sensei.

"Hai.. Sen..sei." sagot ni Sakura na walang ibang maisip kundi ang kung paano pahirapan si Uchiha Sasuke sa mga darating na araw.
..................

TO BE CONTINUED.. \m/n

nikkiyu90

nikkiyu90
Junin
Junin

ai,,,hambog parin si sasuke...
nakakainis :sadista: parin role nya.......

oie,,apiktado???


wag nalang pansinin ni sakura si sasuke...hhhmmp!!!

:kill: Suspect

Guest


Guest

"Ang kapal kapal kapal kapaaaal talaga ng mukha nung Uchiha na yun!!"
dumagundong ang boses ni Sakura sa free period.

Free period, nasa school grounds siya kasama ang barkada niya: Hinata, Naruto, Shikamaru, at Chouji.

"Kabago bagong estudyante ganun na makaasta." namumulang sagot ni Hinata. "Sana hindi nalang natin siya sinundan"

"Hayaan nyo na yun. Lumaki cguro ang ulo sa Akatsuki High. Alam niyo na, 1st sa class at futbol team captain." sabi ni Shikamaru na pinaglalaruan ang isang lighter na napulot.

Sabay siyang tiningnan ng masama nila Hinata at Sakura.

"Okay. Okay. Sorry na!!.." mabilisang dagdag ni Shikamaru.

"Wag niyo nalang banggitin kay Kiba. Magagalit yun pag nalamang naninilay ako." pakiusap ni hinata na may bakas ng pagkaaliw.
..............
Hinata at Kiba. 6 months na ang kanilang relationship. Taga ibang school si Kiba. Sa HiKuni Shougyou xa nag-aaaral. Hndi maxado sa grades at studying stuff pero mabait at maalaga. Si Hinata naman 'crush ng bayan'. Mahinhin pero may trace ng pagkakulit at matrips. Si Kiba ay volley player habang si Hinata naman ay club president ng calligraphy club. Nagkakilala silang dalawa sa Interhigh Sportsfest na kung saan diretso ang spike ni Kiba sa mukha ng linesman na napatumba naman. Ang linesman na yun ay si Hinata. Pumuntang humingi ng pasensya si Kiba at dun na nagsimula and pairing nila.
..............

"Mga babae nga naman, ang daming problema. Ne, Chouji!." sumbat ni Naruto na nakikinig ng music mula sa iPod sa kaliwang tenga.

"Un. Mag-enjoy nalang muna kayo bago kung anu anong pinaggagagawa." pagsangayong sagot ni Chouji na binubuksan ang 3rd packet ng Lays Potato Chips.

..............
Naruto. Galing sa mayamang pamilya. Spoiled brat na may pagkakwela. Pasimuno at financier ng pagkain, gimmick at trips ng barkada. Chouji, on the other hand ang taga-ubos ng pagkain.
..............

"Sakura-chan!" may sumigaw.

Lumingon ang barkada at nakitang kumakaway si Neji kay Sakura mula sa malayo. Kasama niya ang kaniyang mga "soccer team" friends.

"Konnichiwa!" dagdag na sigaw ni Neji.

Kumaway pabalik si Sakura at inasar naman si Neji ng kaniyang mga kaibigan. Nagpatuloy sila sa strolling around the grounds.

"Sus. Close naman daw. " sabi ni Hinata sabay tawa ng malakas.

Nagtinginan ang 3 lalaki at sabaysabay nagsitaasan ng balikat.

School Bell.

"Waaa. Aral nanaman." buntong hiningang sabi ni Chouji na tinapon ang finished packet ng Lays sa nearest basurahan.

"Yosh!' sabi ni Shikamaru sabay tayo.

Sama-samang pumasok ng eskwelahan ang barkada.

*************************************************************************************
TO BE CONTINUED...
Abangan ang:
1. Impormasyon mula sa Locker corridor
at
2. DA PLAN... :trying hard:

nikkiyu90

nikkiyu90
Junin
Junin

arthan,,aaaaiiii, binibitin mo ako....
ituloy mo na ang story!!!! :hinala:

Guest


Guest

END OF CLASSES BELL.

"Haaaa. Sa wakas tapos na ang isang araw ng pampiprito ng utak.!" buntong sabi ni Sakura paglabas ng C2.

Sabay sila ni Shikamaru naglakad papuntang locker corridor.

"Ayos yung Uchiha na yun ah. Nagpakitang gilas sa klase. Haha. Panu ba yan, delikado yata ako."

"Anu ba yan, Shikamaru! Ang yabang mo eh. Walang pwedeng makatalo sa'iyo kahit gustuhin pa man nila." sumbat ni Sakurana tinatambak ang mga libro sa locker at pinuslit ang cellphone sabag lagay sa loob ng kaniyang bag.

"Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa'yo eh.." sagot ni Shika na lumilingon lingon sa paligid.

"Sakura, Shikamaru!"
Dumating sina Hinata, Chouji at Naruto. Lahat sila ay galing sa E2.

"Oh, kayo pala? Anu meron?" tanong ni Sakura.

"Katatapos lang ng klase. Baka gusto niyong gumimmick kahit san?" sagot ni Naruto na may kinakalikot sa loob ng locker niya.

Walang warning, dumaan si Sasuke sa harapan ng magkakaibigan. Bigla namang natahimik ang lima. Naglakad papunta sa locker niya (na kaharap nung kay Sakura) si Sasuke. Tinapon ang bag sa loob at dumukot ng coke in can. Kitang kita ni Sakura ang nakatambak na maraming lata ng coke sa loob ng locker. Naglakad paalis si Sasuke.

"Mahilig sa Coke." bulong na pabiro ni Hinata na tinawanan naman nila Chouji at Naruto.

Napatungo si Sakura. Mula sa point of view nila Shika, Hina, Chou at Naru, parang disappointed na EMO na ewan ang dating ng pose na yun. Natakpan pa ng buhok ni Sakura ang kaniyang mukha. Hindi tuloy nila mawari kung anong expression niya.

"YOSH!!!!" sigaw ni Sakura sabay taas ng ulo. Napatalon naman yung apat sa gulat.
Parang biglaang change of mood naman daw iyon.

"Nu naman yun????!!" sigaw ni Shikamaru.

"I have... a PLAN!!" sabi ni Sakura na may determined air, military air, at naka clenched fist pa.

Lumakad paaalis si Sakura na naghuhum ng malakas. Nagtinginan ang apat at sinundan si Sakura.

"Nababaliw na ata" isip nilang apat...

TO BE CONTINUED.
Abangan ang..
1. DA PLAN!!!!!! :trying hard:

nikkiyu90

nikkiyu90
Junin
Junin

WHATS D PLAN?!?!?!?!
HAHAHA!!! BUTI NGA KAY SASUKE.....
DAPAT SUPER GANDA NUNG PLAN HUH?!??? :laser:

Guest


Guest

DA PLAN!!!!!

Ang galit na galit at gustong maghiganti na Sakura-chan ang DACOM |DA COMMANDER| ng top secret revenge mission na tinatawag na DA PLAN!!! :trying hard: .
ACCOMPLICES ang mga kabarkada na tinatawag sa pangalan na DA GOONS. :hayblad:

PHASE ONE

Cafeteria. Nagconnive ang DA GOONS at si DACOM.
Heads together.
Sakura: OK Hinata at Naruto. Under the tbale niyo gawin. Chouji, Shikamaru at Ako, gawin ang best para hindi nila mapansin. Gawin natin ang best natin goons. Ok? Phase One Begin.
Nag-umpisang umuga ang table.
Tumayo si Chouji at naglakad palayo.
Shikamaru: Oi! Chouji! Debu! |tabachoy|
Natigilan si Chouji. Lumingon.
Chouji: Anong sabi mo?? Oi! Lumapit ka nga dito!
Humarap si Chouji sabay nagflex ng muscles.
Nag-umpisang pansinin sila ng mga estudyante sa cafeteria.
Nagpatuloy sa pag-uga ang table.
Sakura: |pabulong| Oi! Kayong dalawa. Kinacareer niyo yata yan eh. Easy lang.
Samantala..
Tumayo si Shika at linapitan si Chouji.
Shikamaru: Ang sabi ko Chouji Deeeeebu!
"Ulitin mo nga!" sabi ni Chouji sabay tulak sa balikat ni Shikamaru.
"Aray, ang sakit naman!" bulong ni Shikamaru.
"Sorry napalakas yata." tugon ni Chouji sabay dagdag sa malaking boses "Akala mo kung sino ka ha!!"
"Chouji, DEBU!" muling pang-asar ni Shikamaru.
Habang nanonod ang buong cefeteria sa nagaganp na eksena, huminto na sa wakas ang pag-uga ng table. Lumabas ang ulo ni Naruto.
"Hoy!Sakura! Tapos na kami dito. Game!!"
Tumayo sa Sakura at linapitan ang eksena nila Shikamaru at Chouji.
"Anong pinagaawayan niyo?" tanong ni Sakura sa isang convincing irritated voice.
"ANG BABABAW NIYO EH!!!" sigaw pa niya sabay sapok sa ulo ng dalawa.
"ARA-!" hindi tapos na sabi ng dalawa dahil sinundan ulit sila ng sapok.
Aliw na aliw ang buong cefeteria sa pinapanuod.
Kahit yung pila sa counter tumigil na kasi kahit yung manang na nagbibigay ng food ay nanonood na rin.
Hinila ni Sakura ang dalawang lalake sa tenga. Rinig na rinig ang ungol sa sakit nila Shika at Chouji.
Hinila ni Sakura ang dalawa hanggang sa table na kung saan kumakain ng lunch sina Naruto at Hinata na parang mejo pagod.
Nang makaupo na ang DA GOONS at si DACOM, bumalik na sa normal mood ang buong cefeteria.

PHASE TWO

"Ok. Nice acting guys. Excellent divertion." sabi ni Sakura.
Kitang kita na namumula ang mga tenga nila Shika at Chouji habang hinahaplos pa nila ang kanilang mga ulo.
"Kelangan mo ba talagang lakasan ang sapok mo? Halos mawalan na kami ng malay doon eh." sabi ni Chouji.
"Shhh! Wag ka ngang maingay. Of course kelangan ko talagang lakasan para convincing." sumbat ni Sakura.
Sakura: Ok guys. Next step na tayo. Naruto at Hinata, dalhin na ninyo ang product sa Guidance Office. Wag kayong mag-alalang maalog ang product kasi kapag mas lalong nauga, mas effective.
"Ok!" sabing sabay ni Hinata at Naruto. Dinagdagan pa ni Naruto ng kindat.
Umalis na ang dalawa.
"Ang nagagawa nga naman ng pera. Kahit Guidance Office napapakiusapan." sabi ni Shikamaru na naaaliw.
"Xempre. Kaya nga may Rich Goon tayo to take care of financial matters." sabi ni Sakura na mukhang inspired na inspired.
"Ang dapat nalang nating gawin ngayon ay maghintay sa signal at iutilize ang Brainy Goon natin." dagdag ni Chouji na tinutukoy si Shikamaru.
Pagkalipas ng ilang minuto..
DING_DONG_DING_DONG.. ang school bell. Wala sa oras.
Nagtinginan sina Sakura, Chouji at Shika.
"Yosh!" sabi nila ng mahina.
Dinukot ni Shikamaru ang kaniyang mini laptop sabay set to work. Maririnig ang tapping ng keyboard niya.
Shikamaru: Tapping school paging system..
Chouji: Coast clear. Walang nakatingin.
Maririnig ang kayboard tapping..
Tumayo si Sakura at nagback-and -forth na lakad aroun the table..
Shikamaru: Tapping successful. Setting Voice Manipulation Device.
More keyboard tapping..
Nagumpisang maghum si Sakura
Shikamaru: Setting complete. Integrating Intelligent Microphone Modules.
KEYBOARD TAPPING...
Tinatap na ni Sakura ang fingers niya sa table..
Shikamaru: Integration Complete. Creating United Interface.
REALLY MORE KEYBOARD TAPPING
Nagumpisa nang sumayaw sa likod ni Shikamaru si Sakura. Naeexcite at di mapakali..
Shikamaru: Interface Created. TURN ON!
ENTER BUTTON TAP.
Tumulo ang laway ni Sakura.
YUCK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
sigaw ni Shikamaru at Chouji.

TO BE CONTINUED..
Abangan ang:
1. UNITED INTERFACE at work..

Ano kaya ang mystery product ng pag-uga ng table.. panu kaya gumana ang United Interface ni Shikamaru.. ano ang mangyayari kay Sasuke sa panimulang phases ng ultra mega hyper top secret revenge vengeance plan ni SAKURa na tinatawag na DA PLAN!!!!!!!! :trying hard:



nikkiyu90

nikkiyu90
Junin
Junin

asan ka na aerhan?..
bakit la pa tong kasunod?..
ano ka ba?
ba't ka ganyan?(oa maxado) hehe

aoi_137

aoi_137
Chunin
Chunin

haha mega ultra newly updated haha

http://www.friendster.com/animoi27, http://cbox.ws/?n=3-2901609-

JamesAnime02

JamesAnime02
Anbu Recruit
Anbu Recruit

Galing mo Gumawa ng Story Ahhh ..! ASTiG

Hidan Akatsuki

Hidan Akatsuki

Corny! ms gus2 ko ke Temari..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum