FROM FANFICTION.NET
Pipol, di ko po pagmamay-ari ang Naruto. Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Isang malaking kaisipan kung bakit hindi nilagyan ni Masashi Kishimoto ng kilay si Gaara. Kaya kung nais ninyong malaman ang aking mga palagay tungkol sa isyung ito, halina’t pagtiisan muna at pagpasensyahan na lamang ang kwentong ito…
Ang Kilay ni Gaara: Chapter 1
Nag-iisa sa loob ng kwarto ng Kazekage ang kanyang bunsong anak na si Gaara. Limang taong gulang palang ito at sa maniwala kayo’t sa hindi ay nagtataglay pa siya ng mga authentic na kilay. Di niya napigilang pakialaman ang mga gamit ng kanyang papa. Hinawakan niya ang roll-on deodorant nito na parang mic at nagsimulang kumanta ang ating little big star.
“Itchy bitchy spider went up the water pouch. Down came the rain and watch the spider ouch! Itchy bitchy spider went up the water pouch…”
Habang nilalasap ang unang nursery rhyme na tinuro sa kanya ng kanyang Kuya Kankuro at Ate Temari, isang bagay sa itaas ng kabinet ang nakatawag ng kanyang pansin.
“Ang razor ni papa!”
Naexcite siyang bigla. Madalas niyang makita ang ama na nag-aahit ng balbas sa harap ng salamin. Di niya malilimutan ang bawat stroke na banayad na dumadaan sa baba niya at ang nagvivibrate pang tunog na nagmumula rito. Kinukulit nga niya palagi si papa kung pwede niya itong mai-try kahit konti lang pero pinapagalitan siya nito.
“Di pwede, Gaara! Bata ka pa. Ano bang gusto mong maahit sa iyo? Balat?”
Alam naman ni Gaara na di siya masusugatan kahit pa magpasagasa siya voluntarily sa isang ten-wheeler truck. Nakailang attempt na nga siyang akyatin ang kabinet na iyon pero everytime na sisimulan na niya ang wall climbing activity ay naka-caught in the act agad siya ng ama. Di naman niya kayang paluin ang anak dahil sa buhanging pumuprotekta sa pwetan nito kaya naman pinarurusahan nalang niya ang bata sa pamamagitan ng pagkain ng sauce na walang spaghetti. Primarily iyan ang dahilan kung bakit pumula ng husto ang kanyang buhok. Eh kung araw-araw ba naman spaghetti sauce lang ang agahan mo! Siguro may idea na rin kayo kung gaano kasipag at katiyaga etong si Gaara sa kanyang pagnanais na makamit ang kanyang pangarap. Ngunit kahit anong paalala, pananakot, at pagbabanta ang gawin ng Kazekage, di talaga ito umuubra. Minsan gusto na nga niya kalbuhin ang matigas na ulo nito gamit ang razor sharp blades kaso baka isipin ng anak na pinagbibigyan na niya ito. Siya pa naman ang pinuno ng bayan, dapat may strict discipline sa household!
Araw, hapon, gabi at madaling araw, napapanaginipan ni Gaara ang pang-ahit. Tinatawag raw siya nito at inaakit sa tuwi-tuwina. Nakakahalina ang boses nito na kumanta nang...
“C’mon and get me get me get me. Baby I’m yours. C’mon and get me…”
And this is the moment. Wala si papa. Walang K.J. Nagpunta siya sa kalapit na bayan upang makipagkasundo sa programang “Patubig para sa Suna.” Recently kasi nagkaroon ng dry cough ang mga gripo sa kanila. Kahit padurain mo ang mga ito ng tubig ay hangin lang ang lumalabas.
Sinimulan na ni Gaara ang expedition. Nang makaabot na sa tuktok ng tagumpay , agad niyang inabot ang razor. Aksidente niyang napindot ang switch. KABLAG! Isang sigaw ang maririnig mula sa kwarto.
Nagtatakbo si Yashamaru papasok sa kwarto. Nadatnan niya si Gaara na nakadapa sa sahig at ang electric razor na hawak niya ay no doubt buhay na buhay. Ulyanin ata na ang Kazekage. Naiwan pala niyang nakasaksak ito.
“Master Gaara, okay lang ba kayo?” tanong ni Yashamaru trying hard to be concerned kunwari. Lumapit siya upang iahon ang kawawang bata mula sa pagkasubsob. Tumayo si Gaara na parang walang nangyari.
“Sayang! Buhay pa pala,” bulong ni Yashamaru sa sarili.
Nang iharap ni Gaara sa kanya ang kanyang mukha, halos atakihin siya sa puso sa kanyang nakita.
“M-m-master Gaara! Anong nangyari sa mukha ninyo?"
“Bakit, Yashamaru? Anong meron?” Hinipo ni Gaara ang kanyang pisngi sa pag-aakalang may nakadikit lang na alikabok.
“W-WALA NA PO KAYONG KILAY!”
Anong gagawin ni Yashamaru at Gaara? May paraan pa ba na maibalik ang dating lago ng kanyang mga kilay?